-- Advertisements --

Nakatakdang bisitahin ni US President Joe Biden ang Florida na sinalanta ng Hurricane Milton.

Sinabi nito na sa araw ng Lunes ay isasagawa ang pagbisita sa Florida matapos na salantahin ito ng magkasunod na bagyo sa loob ng dalawang linggo.

Hindi naman binanggit ng White House kung ano-anong mga estado ang bibisitahin ng Pangulo.

Magugunitang nasa 16 katao na ang nasawi dahil sa nasabing pananalasa ng Hurricane Milton.

Hindi rin maiwasan ni Biden na punahin si dating Pangulong Donald Trump na binabatikos ang ginagawa nilang pagresponde sa mga nasalanta ng magkasunod na bagyong Helene at Milton.