-- Advertisements --

Umabot sa dalawang oras ang ginawang pagpupulong nina US President Joe Biden at Russian President Vladimir Putin.

Naging kalmado ang dalawang opisyal sa ginawang secured video call.

Ipinaalala ni Biden na sila ay gagawa ng hakbang sakaling magpasya ang Russia na salakayin ang Ukraine.

Katabi ni Biden sina Secretary of State Antony Blinken, national security adviser Jake Sullivan at senior director for Russia and Central Asia Eric Green sa nasabing pagpupulong.

Sinabi ni Sullivan na hindi magdadalawang isip ang US na gantihan ang Russia kapag ginalaw o nilusob nila ang Ukraine.

Huling nagkausap ang dalawa noong Hulyo matapos ang pagdalo nila sa G20 Summit noong Hunyo.