Inalala ng mga opisyal sa US ang isang taon na Capitol Attack nitong Enero 6.
Pinangunahan ni US President Joe Biden, Vice President Kamala Harris at Speaker Nancy Pelosi ang pag-alala sa mga nasawing mga kapulisan na nagprotekta laban sa mga lumusob na rioters.
Sa talumpati ni Biden ay direkta nitong inakusahan si dating President Donald Trump na hindi niya matanggap ang kaniyang pagkatalo.
Tinawag nito na ang 2020 election bilang “greatest demonstration of democracy” sa kasaysayan ng America.
Kahit na may banta ng COVID-19 ay bumuto pa rin ang nasa 150 milyon na Americans.
Isa umanong malaking pagkakamali at “un-American” ang ipinapakalat ni Trump ukol sa naging maling resulta ng halalan.
Magugunitang nilusob ng mga supporters ni Trump ang US Capitol para pigilan ang pagpasa ng sertipikasyon sa pagkapanalo ni Biden na nagbunsod sa pagkasawi ng ilang mga kapulisan.