-- Advertisements --

Tinuligsa ni US President Joe Biden ang nagaganap na military coup at kaguluhan sa Myanmar.

Sa kaniyang talumpati sa virtual summit sa ASEAN leaders, nanawagan ito sa mga miltar sa Myanmar na ihinto na ang nasabing kaguluhan.

Ilan sa mga tinukoy ng US President ang pagpapalaya na rin ng mga ikinulong nila ng walang sala at ang panunumbalik ng demokrasya sa nabanggit ng bansa.

Magugunitang hindi dinaluhan ng Myanmar ang ASEAN summit na ang host country ay Brunei.