-- Advertisements --

Labis ang kasiyahan ni Stephen Bilenky matapos na mapili siyang gumawa ng bisikleta na iniregalo ni US President Joe Biden kay British Prime Minister Boris Johnson sa pagkikita ng dalawa sa G7 Summit.

Sinabi ni Bilenky na noong Mayo 23 ng tumawag sa kaniya ang US State Department at sinabi na kung maaari ay gawin ang prime ministerial bike sa loob ng dalawang linggo.

Mayroon aniya itong budget ng $1,800 kung saan mas mababa sa typical nitong presyo ng bisikleta na nagkakahalaga ng $4,500 at lahat aniya ng mga parts nito ay gawa sa US.

Hindi agad nag-atubili ang grupo ni Bilenky at ginawa agad ang nasabing bisikleta.

Kasama ng bisikleta ang custom-painted helmet.