-- Advertisements --
Binisita ni US President Joe Biden ang manufacturing facility ng COVID-19 vaccine ng kompaniyang Pfizer sa Kalamazoo, Michigan.
Kasama ng pangulo sina Michigan Governor Gretchen Whitmer, Pfizer CEO Albert Bourla at White House coronavirus response coordinator Jeff Zients.
Inikot nila ang “Freezer Farm,” isang bodega na naglalaman ng 350 ultra-cold freezer na mayroong laman ng 360,000 doses of vaccines.
Umaabot na sa halos 29 milyon doses ng Pfizer vaccine ang naiturok sa mamamayan ng US.
Sa kaniyang talumpati hindi maiwasang banatan ni Biden si dating US President Donald Trump sa bigong pagsasagawa ng vaccination program.
Ipinagmalaki nito na hanggang sa katapusan ng Hulyo ay mababakunahan na ang buong populasyon ng Amerika.