-- Advertisements --

Patuloy ang paggaling ni US President Joe Biden matapos na makaranas ng sintomas ng COVID-19.

Ayon sa doctor nito na si Dr. Kevin O’Connor na normal na ang blood pressure, pulse, respiratory rate at temperatura ng pangulo.

Maging ang kaniyang oxygen saturation ay patuloy na gumaganda at ang kaniyang baga ay nananatiling malinis.

Magugunitang hindi na itinuloy ni Biden ang pagsasagawa ng kampanya nitong nakaraang araw matapos na makaranas ng sintomas ng COVID-19.