Naamoy na raw ng kampo ni dating Vice President Joe Biden ang panalo bilang bagong presidente ng Amerika.
Sa pagtaya ng Biden camp, baka bukas araw ng Sabado makapagpalabas na ng pinal na resulta ang Estado ng Pennsylvania na siyang magsasara sa mahigit 270 electoral votes upang makuha ang White House.
Ito ay kasunod na rin ng pagkatalo ni Trump sa ilan niyang protesta na inihain sa mga korte sa Nevada, Philadelphia, Pennsylvania at Georgia at maging sa Michigan na dinismis din ang reklamo upang pigilan sana ang bilangan.
Ang mga estado na kritikal at inaabangan na siyang magdadala ng panalo sinuman kina Trump at Biden bilang pinakamakapangyarihang presidente sa buong mundo ay ang Arizona (11 electoral vote) kung saan si Biden leading ng mahigit sa 47,000 popular votes, Nevada (6) na maliit lamang ang kalamangan ni Biden sa 11,438, estado ng Georgia (16) kung saan naagaw na ngayon ni Biden ang abanse sa pamamagitan ng 917 votes at ang Pennsylvania (20) na leading naman si Trump ng 18,229 samantalang meron pang 200,000 na bibilangin.
Sinasabi sa projections na ang Pennsylvania ay nanganganib din na makuha na rin ni Biden kay Trump.
Kabilang sa dahilan kung saan nade-delay ang pagbilang din sa Nevada ay bunsod ng mail-in ballots.
Meron pa naman daw sila hanggang Nov. 10 na bibilangan basta na-postmark ito sa araw mismo ng halalan.