-- Advertisements --

Personal na binisita ni US President Joe Biden ang Kentucky ilang araw matapos na tamaan ito ng malakas na tornado.

Tiniyak nito ang tulong na ibibigay ng kaniyang gobyerno sa mga nasalanta ng malakas na buhawi.

Inikot niya ang ilang bahagi ng Kentucky kasama ang mga local leaders ng lugar.

Inamin nito na aabutin pa ng ilang araw bago tuluyang makabangon ang lugar dahil sa matinding pinsala at lahat aniya ng suporta ay kaniyang ibibigay sa mga nasalanta ng bagyo.