-- Advertisements --

Desidido si US President Joe Biden na tapusin na ang giyera nila sa Afghanistan.

Kasunod ito sa pag-uwi ng mga sundalong Amerikano na nakatalaga sa Afghanistan.

Sinabi nito na bahala na aniya ang mga mamamayan na Afghanistan na magdesisyon sa kanilang kinabukasan.

Inaasahan kasi na pagdating ng Agosto 31 ay tuluyan ng nakabalik ang mga US soldiers sa kanilang bansa.

May ilan lamang ang maiiwan na siyang aalalay sa embahada at pasilidad ng US na matatagpuan sa Afghanistan.