-- Advertisements --
Desidido si US President Joe Biden na mabigyan ng citizenship ang nasa 11 million illegal immigrants.
Sinabi ni White House Press Secretary Jen Psaki na mismo ang US President ang nagpanukala mula sa unang pag-upo nito.
Base sa panukala na bibigyan ng walong taon na citizenship ang mga illegal immigrants nangangahulugan nito na mayroong Temporary Protected Status (TPS) ang mga manggagawa at Deferred Action for Childhood Arrivals (DACA) sa mga eligible na mabigyan ng citizenship.
Sa nasabing bilang ay aabot sa mahigit kalahating milyong mga Filipino ang maapektuhan sa nasabing panukala.