-- Advertisements --

Nagkaroon ng pagkakataon na makipagdayalogo si U.S. President Joe Biden kay Pope Francis at ginawaran ang Santo Papa ng Presidential Medal of Freedom with Distinction, ang pinakamataas na civilian honor ng bansa, ayon sa White House.

Ito ang unang pagkakataon sa loob ng kanyang apat na taon na panunungkulan na ginawaran ni Biden ang medalya na may distinction. 

Ang Presidential Medal of Freedom ay ginagawad sa mga indibidwal na may katangi-tanging kontribusyon sa prosperity, values at security ng Estados Unidos, world peace at iba pang makabuluhang panlipunan, pampubliko o pribadong pagpupunyagi.

Una nang ginawaran ni Biden ng Presidential Medal of Freedom ang dating Kalihim ng Estado na si Hillary Clinton, chef Jose Andres at conservationist na si Jane Goodall, at iba pa. 

Sinabi pa ng White House na nakipag-usap si Biden kay Pope Francis sa telepono at ipinahayag ang kanyang matinding panghihinayang na hindi niya nabisita ang Roma at Vatican City.