-- Advertisements --
Inamin naman ni US President Joe Biden at ng kaniyang administrasyon na nagkamali sila sa kanilang pagtantya sa maaaring mangyari sa Afghanistan.
Nagulat si Biden at ang kaniyang mga senior member sa administration dahil mabilis na nakuha ng mga Taliban ang gobyerno ng Afghanistan.
Sinabi naman ni Secretary of State Antony Blinken na hindi nagawa ng pwersa ng militar ng Afghanista na ipagtanggol ang kanilang bansa.
Ang nangyari umano ay mas mabilis kaysa sa kanilang inaasahan ang pagbagsak ng Afghan gov’t.
Nakatakdang magbigay ng kaniyang pahayag si Biden sa mga susunod na araw sa nangyaring crisis sa Afghanistan.