-- Advertisements --
Handang makipagpulong si US President Joe Biden kay Russian President Vladimir Putin para maiwasan ang giyera sa Ukraine.
Sinabi ni US Secretary of State Antony Blinken na naging seryoso ang nasabing hiling ni Biden dahil sa nangangambang paglusob ng Russia sa Ukraine.
Dagdag pa nito na hanggang patuloy ang presensiya ng mga tankeng pang giyera at eroplano ay hindi pa rin mawawala ang pangamba ng giyera sa Ukraine.
Nauna ng nagkausap sa telepono ang dalawa noong Pebrero 12 kung saan mariing pinabulaanan ng Russia na sila ay lulusob sa Ukraine.
Magugunitang inihayag ni Putin na kanila ng pinauwi ang ilang libong mga sundalo na nakatalaga sa border nila ng Ukraine.