-- Advertisements --
Nagpasya si dating US Vice President Joe Biden na hindi magtungo sa Milwaukee para tanggapin ang kaniyang Democratic presidential nomination.
Ayon sa Democratic National Convention Committee, tatanggapin na lamang niya ang nomination sa kaniyang bahay sa Delaware.
Magiging virtual rin aniya ang aktibidad dahil na rin sa patuloy ang pagdami ng kaso ng coronavirus.
Sinabi ni Democratic National Committee Chair Tom Perez, na mahalaga na isaalang-ala ang kalusugan ng mga mamamayan kaya minabuti nilang gawin na lamang ito virtual.
Nakatakda kasi ang convention mula Agosto 17-20 sa Milwaukee.