-- Advertisements --

Hindi sinsuportahan ni US President Joe Biden ang anumang pagganti ng Israel sa isinagawang air strike ng Iran.

Dagdag pa nito hindi kalianman ay sinusuportahan ang anumang hakbang ng Israel lalo na ang pag-atake sa nuclear power plant ng Iran.

Magpapatawag ito ng pulong sa Israel para pagplanuhan ang anumang susunod na hakbang.

Magugunitang nagpakawala ang Iran ng nasa 180 na missiles patungong Israel bilang kasagutan sa pagkakasawi ng Hamas political leader na si Ismail Haniyeh, Hezbollah leader Hassan Nasrallah at Iranian Revolutionary Guards Corps commander Brig.-General Abbas Nilforoushan.