-- Advertisements --

Nanguna si US President Joe Biden kasama ang ilang western leaders na nanawagan kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na tumugon sa ceasefire.

Sa ginawang pagbisita ni Biden sa Berlin, Germany, hindi nito nalimutan ang panawagan sa Israel na dapat ay tumugon sa ceasefire lalo na at napatay na nila ang Hamas lider na si Yahya Sinwar.

Kasama nitong nanawagan sina British prime minister, Keir Starmer, French president Emmanuel Macron, at German chancellor, Olaf Scholz.

Bukod pa dito ay hinikayat din ni Biden ang kapwa lider ang patuloy na suporta sa laban ng Ukraine kontra Russia.