-- Advertisements --
Hinikayat ni US President Joe Biden ang mga dumalo sa ipinatawag niyang summit of democracy na panatilihin ang demokrasya sa kanilang bansa.
Sa kaniyang talumpati sinabi nito na hindi magkakapareho ang bansa ng kanilang bansa.
Kaya aniya siya nagpatawag ng summit of democracy para magkaroon ng renewal ng demokrasya sa isang bansa.
Nararapat na ang mga bansa manindigan sa mga batas na ipinaptupad, igalang ang kalayaan ng bawat isa at iba pa.
Ito ang dalawang araw na ipinatawag ni Biden na Summit of Democracy na inimbitahan niya ang mga lider mula sa 100 gobyerno, kabilang ang ilang aktibista, trade unionists, experts at ilang miyembro ng civil society.