-- Advertisements --
Hinikayat ni US President-elect Joe Biden ang mga mamamayan ng US na magsuot ng face mask.
Isinagawa nito ang apela sa ginawang pagpupulong niya sa task force na kaniyang bubuuin para labanan ang COVID-19.
Dagdag pa nito na dapat sundin ang siyensya dahil ilang libong mga kabuhayan ang maliligtasan kapag ang isang tao ay nagsuot ng face mask.
Ilan sa mga miyembro sa binuo nitong task force ay sina dating US Surgeon General Vivek Murthy, dating Food and Drug Administration Commissioner David Kessler at Yale University healthcare equity expert Marcella Nunez-Smith.
Magugunitang makailang beses na binabatikos nito si US President Donald Trump dahil sa maling hakbang nito sa paglaban sa COVID-19.