-- Advertisements --

Hinikayat ni US President Joe Biden ang mga residente ng Florida na lumikas na bago ang tuluyang pag-landfall ng hurricane Milton.

Sinabi nito na kaniyang nakapulong ang mga senior leader ng administrasyon at nagpasya na magkaroon ng paglilikas.

Itinuturing aniya nila na ang bagyo ay siyang pinakamatinding mararanasan sa loob ng 100 taon.

Kinondina din ni Biden ang ginawang pagbatikos ni dating US President Donald Trump sa mabagal umanong pagresonde ng federal government tuwing mayroong mga dumadaan na malalakas na bagyo sa US.

Tinawag pa ni Biden na isang “un-American” ang pahayag ni Trump dahil sa hindi ito nakakatulong sa mga masasalanta ng bagyo.