-- Advertisements --

Nagsalita na sa unang pagkakataon si US President Joe Biden kung bakit ito umatras sa muling pagtakbo sa pagkapangulo.

Sinabi ng 81-anyos na pangulo na hindi ito nababahala sa kaniyang kalusugan kaya ito umatras.

Sinisi niya ang pag-atras sa mahinang performance niya noong debate laban kay dating US President Donald Trump.

Dagdag pa nito na sinunod lamang niya ang kahilingan ng mga kapartido niya sa Democrats na umatras na lamang.

Pagtitiyak niya na buo ang suporta niyang ibibigay kay Vice President Kamala Harris para tuluyang talunin si Trump.