-- Advertisements --

Iiwasan na lamang ni US President Joe Biden ang magkaroon ng mga panggabing lakad dahil sa kailangan niya ng mas mahabang tulog.

Sa kaniyang pulong sa mga Democratic governors na dapat ay alas-8 na ng gabi ay nagpapahinga na ito.

Ang nasabing pahayag ay kasunod ng puna ng mga kritiko nito na dapat ay umatras na sa pagtakbo muli sa pagkapangulo dahil sa kaniyang kalusugan.

Subalit nanindigan ang 81-anyos na si Biden na kaniyang kayang tuparin ang kaniyang trabaho bilang pangulo ng US.

Magugunitang umani ng negatibong reaksyon ang naging resulta ng pakikipag-debate ni Biden kay dating US Donald Trump na kaniyang katunggali sa pagkapangulo dahil sa mga kahinaan nitong sa pagsagot sa mga katanungan.