-- Advertisements --
Tinawag ni US President Joe Biden ang araw na ito bilang makasaysayan dahil sa inirekomenda ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang pagtuturok ng Pfizer-BioNTech para sa mga edad 5-11-anyos.
Sinabi pa ng US president na posible sa susunod na linggo ay masimulan na ang pagpapabakuna sa 28 milyon na mga bata sa US.
Ilang buwan aniya nilang naiplano ang nasabing pagpapabakuna sa mga teenagers.
Tiniyak pa ni Biden na ang nasabing mga bakuna ay ligtas kaya walang dapat na ikabahala ang mga magulang.
Patuloy din ang kaniyang panghihikayat sa mga magulang na pabakunahan na ang kanilang anak laban sa COVID-19 para sa protection na rin nila.