-- Advertisements --
Ikinatuwa ni US President Joe Biden ang pagpapalaya ng Hamas militants sa bihag nilang mag-inang Americans.
Sinabi ni US Secretary of State Antony Blinken na gaya ng mga kaanak at kaibigan ng pinalayang hostages ay lubos silang nasisiyahan.
Sa kasalukuyan ay mayroon pang 10 mga Americans ang nananatiling bihag ng Hamas.
Pagtitiyak naman ni Blinken na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para mapalaya ang nasabing mga bihag.
Ang mag-inang sina Judith Tia Raanan at ang 17-anyos na anak nitong si Natali ay dinalaw lamang ang mga kaanak sa Southern Israel ng bigla silang lusubin ng Hamas at sila ay dinukot.