CAGAYAN DE ORO CITY – Mapangahas na binangit umano ng isang online website na si dating US vice president at ngayon Democrats Presidential Candidate ang hihirangin na bagong mahalal na pangulo pagkatapos ng November 3 2020 elections sa Estados Unidos.
Ito ang salaysay ng Bombo Radyo International News Correspondent na taga -Cagayan de Oro City na si Jojo Noble na nakabase sa estado ng Maryland,USA.
Iniulat ni Noble na kung pagbabatayan ang computation o kalkulasyon ng FiveThirthyEigth.com ay makalikom ng 290 mula sa 538 electoral votes ng Electoral College si Biden laban kay incumbent US President Donald Trump.
Inihayag nito na ito dahil abanse o lamang si Biden sa ilan sa mga itinuring na battle ground states kinabilangan ng Ohio, Georgia, Nevada at Florida maliban sa mga estado na nasa kontrol ng Democrats.
Dagdag ni Noble na bagamat prediction ito subalit hindi umano malayo na maaring mangyari dahil tuloy-tuloy ang pag-abanse ni Biden laban kay Trump sa ibang election online surveys sa nabanggit na bansa.
Magugunitang ang estado ng Maryland ay mayroong hawak na 10 electoral votes kung saan dominante ang partido ni Biden kumpara sa incumbent Republican president.