Pinatutsadahan ni Democratic presidential hopeful Joe Biden si President Donald Trump matapos nitong ipahayag ang kaniyang plano na ipaubaya na lamang sa tropa-militar ng bansa ang pagkontrol sa nagpapatuloy na kaguluhan sa iba’t ibang lugar sa Estados Unidos.
Ito’y kasunod ng ginawang pagbabato ng mga otoridad ng tear gas at rubber bullets kahit sa mga nagsasagawa ng payapang kilos-protesta sa harap ng White House.
Ayon kay Biden, maling hakbang umano na gamitin ang American military laban sa mamamayan ng Amerika.
“He tear-gassed peaceful protesters and fired rubber bullets. For a photo,” Biden tweeted, referring to Trump’s decision to use law enforcement — including military police — to clear protesters from in front of the White House so he could pose for photographs at a riot-damaged church nearby.”
“For our children, for the very soul of our country, we must defeat him,” wika ni Biden.
Una rito ay ipinangako ni Trump na kaniya nang wawakasan ang nagaganap na looting at kaguluhan sa iba’t ibang lugar sa naturang bansa.
Dagdag pa ng presidente na ipinag-utos na nito ang pagkilos ng daan-daang heavily armed military personnel para kontrolin ang mga raliyista.
Ang galit na nararamdaman ngayon ng mga nagpo-protesta ay dahil sa pagkamatay ng Black American na si George Floyd sa kamay ng mga otoridad, isang linggo na ang nakararaan.