-- Advertisements --

Inalok ni US President Joe Biden ang mga mamamayan ng Hong Kong na maari silang manirahan sa US.

Kasunod ito sa ginagawang democracy crackdown ng China.

Inatasan ng US President ang Department of Homeland Security na palawigin ng hanggang 18 buwan ang mga Hong Kong residents na nasa US dahil sa foreign policy reasons.

Mula pa nong nakaraang taon ay sinimulan na ng China ang pagtugis sa freedom of the press dahil sa national security law.