-- Advertisements --
Inamin ni US President Joe Biden kay French President Emmanuel Macron na naging malamya sila sa security deal sa pagitan ng Australia at United Kingdom.
Sa unang pagkikita personal ng dalawang lider matapos ang kasunduan ng US, UK at Australia o tinawag na AUKUS kung saan tutulungan ng US ang Australia na makagawa ng nuclear powered submarine.
Ikinagalit naman ito ng France dahil may kontrata na sila sa Australia na sila na ang gagawa nito.
Isinagawa ang pagpupulong nina Biden at Macron sa Embassy ng Rome sa Villa Bonaparte matapos na makipagkita si Biden kay Pope Francis sa Vatican.
Patungo rin ang dalawa sa G20 summit na gaganapin sa Scotland.