-- Advertisements --

Inaprubahan ni US President Joe Biden ang panibagong $285 milyon na pagbebenta ng National Advanced Surface-to-Air Missile System sa Ukraine.

Ayon sa US State Department na dahil dito ay mayroon ng kabuuang siyam na National Advanced Surface-to-Air Missile System ang Ukraine.

Dagdag pa ni US Defense Secretary Lloyd Austin na target nilang maideliver sa Ukraine ang nasabing Missile system sa buwan ng Nobyembre.

Ipinagmalaki pa nito na ang nasabing missile system ay kayang maharang ang anumang Russian missiles.