Pansamanatala umanong kinansela ang nakatakda sanang rehearsals sa inagurasyon ni President-elect Joe Biden na gagawin sana sa Lunes.
Ayon sa ilang staff ni Biden kabilang sa dahilan sa pagpapaliban sa rehearsals ay bunsod umano ng isyu sa seguridad.
Dahil dito magkakaroon muna ng adjustment ng schedule at posibleng gawin ito sa Martes.
Sinabi umano ng mga event planners ang kanilang pagpapaliban ay bunsod din sa nangyaring paglusob noong nakaraang linggo ng mga supporters ni outgoing President Donald Trump sa US Capitol.
Kabilang din sa kinansela sa Lunes ang Amtrak ride ni Biden at miyembro ng team na babiyahe sanan mula Wilmington sa Delaware hanggang Washington.
Sinasabing kinuha na rin ni Biden ang serbisyo ng dating homeland security adviser ng Obama administration na si Lisa Monaco upang umasiste sa paghahanda sa seguridad sa malaking event.
“Given the existing threats, Ms. Monaco’s temporary role will be focused solely on the period leading up to the inauguration,” bahagi ng statement ng transition team.
Samantala, usap-usapan pa rin ngayon ang pagbuhos pa ng mga tropa ng gobyerno na naka-full battle gear na inilagay sa loob at paligid ng US Capitol habang nalalapit ang January 20 inauguration.