Sinalakay ng US military ang isang site sa Syria kasunod ng rocket attack nito makaraan ang dalawang linggo.
Ito ang kauna-unahang military attack sa administrasyon ni US President Joe Biden.
Pinaniniwalaan na ginamit ng mga Iranian na suportado ng militia ng Shia ang site kung saan nagmula ang rocket attack.
Ayon kay Pentagon spokesperson John Kirby iniutos ni Biden ang pagsalakay hindi lamang upang tumugon sa mga kasalukuyang pag-atake laban sa American forces at coalition kundi upang harapin ang nagpapatuloy na banta sa mga tauhan.
Aniya, kumukonsulta si Biden sa mga US allies bago ang ginawang pag-atake.
Napag-alaman na pinaniniwalaan ng US military na ang site ay gagamitin bilang bahagi ng isang operasyon sa pagpupuslit ng sandata para sa mga militia.
“The operation sends an unambiguous message, President Biden will act to protect American coalition personnel,” ani Pentagon spokesman John Kirby. “At the same time, we have acted in a deliberate manner that aims to de-escalate the overall situation in both Eastern Syria and Iraq.” (with report from Bombo Jane Buna)