-- Advertisements --
Ipinag-utos ni US President Joe Biden ang air-strike sa mga pasilidad na pinapatakbo ng mga militia groups sa Iraq-Syria border.
Sinabi ni Pentagon press secretary John Kirby na ang target ay mga piling pasilidad na ginagamit ng mga Iran-backed militias na sangkot sa unmanned aerial vehicles (UAV) laban sa mga US personnel at pasilidad sa Iraq.
Pangunahing tatamaan ng kanilang airstrikes ay ang mga storage facilities at dalawang lugar sa Syria at isa sa Iraq na matatagpuan sa border ng nasabing mga bansa.
Dagdag pa ni Kirby, ang hakbang ay bilang pangako ni Biden sa pagprotekta sa mga US personnel nito.