-- Advertisements --

Pinapakilos na ni US President Joe Biden ang mga otoridad kung ano talaga ang naging motibo ng pamamaril.

Sinabi nito na kaniyang natawagan na sa telepono si Trump kung saang naging maikli at may respeto ang nasabing tawag.

Dagdag pa nito na kaniyang inatasan ang mga otoridad na doblehin ang mga seguridad sa bawat political rally na nagaganap sa US.

Kahit na magkatunggali sila ni Trump sa pulitika ay nagkakaisa pa rin para sa pagsulong ng mga kapayapaan at katahimikan ng US.

Nagpaabot rin si Biden ng kaniyang pakikiramay sa nasawing bikitma at mga sugatan.

Nanawagan ito na ipaubaya na lamang sa otoridad ang imbestigasyon at huwag magpakalat ng negatibong impormasyon ukol sa motibo ng suspek.