-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni US President Joe Biden na sa pagtatapos ng kaniyang termino ay marami itong mga magandang nagawa sa America.

Sa kaniyang unang talumpati mula ng mahalal sa pagkapangulo si Donald Trump, isa sa mga ipinagmalaki nito ay ang magandang lagay na ngayon ng ekonomiya ng Amerika.

Natitiyak din nito na magkakaroon ng magandang transition sa pagpapalit ng puwesto kay Trump.

Sa ngayon aniya ay patuloy ang kaniyang pagtatrabaho sa nalalabing mahigit 70 araw niya sa trabaho.

Hinikayat din nito ang mga mamamayan na huwag ng maging agresibo at irespeto na lamang kung ano ang naging resulta ng halalan.