-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni US President Joe Biden na napatay ng mga sundalo ng America ang lider ng Islamic State sa Syria.

Kinumpirma ng isang senior US administration official ang pagkasawi ni Abu Ibrahim al-Hashemi al-Quraishi sa isang operation.

Umabot rin sa 13 mga katao ang nadamay sa operation na kinabibilangan ng mga babae at mga bata.

Pinasalamatan ni Biden ang mga sundalong nakipaglaban at ligtas na silang nakabalik sa US matapos ang operations.

Si Quraishi ang siyang pumalit kay Abu Bakr al-Baghdadi na napatay din ng US noong 2019 na nanguna sa grupo na nagkontrol sa malaking bahagi ng Syria at Iraq.

Itinuturing naman ni Pentagon Press Secretary John Kirby na ang ginawang raid ng US ay isang halimbawa ng matagumpay na counter-terrorism mission dahil walang nasawing mga miyembro nila.