-- Advertisements --

Ipinagmalaki naman ni US President Joe Biden ang matagumpay na ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas.

Sinabi nito na hindi nasayang ang ginawang paghihirap para mapapayag ang dalawang panig na tumugon sa nasabing mapayapang pag-uusap.

Pinasalamatan nito ang dalawang panig dahil sa nakita nila ang magandang dulot ng mapayapang pag-uusap.

Ang nasabing kabuuang peacedeal ay babantayan na ni US President elect Donald Trump kung ito ay naipapatupad ba ng tama.

Mayroong tatlong bahagi ang ceasefire na ang unang anim na buwan ay pagpapalaya sa mga bihag at pagkatapos ang ikalawang bahagi ay ang permanenteng ceasefire habang ang ikatlong bahagi ay ang pagbabalik sa mga nasawing bangkay sa kanilang mga pamilya.