-- Advertisements --

Iginiit ni US President Joe Biden na hindi dapat kuwestiyunin ni dating US President Donald Trump ang hustisya dahil sa ginawa lamang ng mga hurado ang nararapat.

Nagkaroon aniya ng masusing imbestigasyon ang huwis na humawak sa kaso kaya hindi masasabing minadali ang kaso.

Marapat lamang aniya na harapin na lamang ng dating pangulo ang mga kasong kinakaharap niya.

Dagdag pa ni Biden na ang hustisya sa US ay matagal ng mayroong malinis na imahe at kailanman ay hindi ito nabaharin ng anumang anomalya.