-- Advertisements --
Ipinagtanggol ni US President Joe Biden ang patuloy na panghihikayat nila ng mga mamamayan na magpabakuna laban sa COVID-19.
Sinabi ni Biden na dapat ang mga kumpanya na mayroong mahigit 100 na empleyado ay tiyakin na sila ay bakunado na laban sa COVID-19 o sumailalim sa testing kada isang linggo.
Kapag hindi nila ito ginawa ay hindi sila papayagan na pumasok sa trabaho.
Paglilinaw naman nito na ang pagpapabakuna ay hindi kontrolin ang buhay ng isang tao at sa halip ay iligtas ang mga ito.
Bumili na rin ang US ng 500-milyon na rapid test kits kung saan isasagawa nila ang home rapid test ng hanggang Enero.