Pormal ng ipinakilala ni US President-elect Joe Biden ang bubuo ng kaniyang coronavirus pandemic response team.
Pinangunahan ni Dr. Anthony Fauci bilang chief medical adviser on COVID-19 habang mananatiling director ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases.
Ilan pa dito ay sina California Attorney General Xavier Becerra na mamumuno sa Health and Human Services Department , Jeff Zients ang beteranong gabinete ni dating Pangulong Barack Obaman na siyang magiging White House coordinator of the coronavirus response, Dr. Vivek Murthy, ang adviser ni Biden na siyang magiging surgeon general , Dr. Marcella Nunez Smith, ang director ng Equity Research and Innovation Center sa Yale School of Medicine bilang mamumuno ng bagong task force on reducing disparities in response, care and treatment at si Dr. Rochelle Walensky ang chief of infectious diseases sa Massachusetts General Hospitals, bilang director of the Centers for Disease Control and Prevention.
Sa kaniyang talumpati, ibinahagi ni Biden ang plano na nito na mabakunahan ang 100 milyon na residente sa unang 100 araw niya.
Inulit din nito ang plano na pag-require sa mga mamamayan na magsuot ng face mask sa loob ng 100 ara para mapigil ang pagkakahawaan ng virus.