-- Advertisements --

Nagpaliwanag ang White House sa naging viral na larawan ni US President Joe Biden na suot ang pulang sumbrero na may nakasulat na Make America Great Again (MAGA) na slogan ni dating US Pres. Donald Trump.

Suot kasi ni Biden ang nasabing sumbrero sa ginawang pulong niya sa mga bumbero ng Shanksville, Pennsyvania.

Ayon kay White House spokesperson Andrew Bates, nais lamang ni Biden na ipakita ang pagkakaisa matapos ang September 11 terrorist attacks.

Sinuot aniya nito bilang pagpapakita ng pagkakaisa habang kausap ang mga bumbero sa lugar kung saan malapit ang pagbagsak ng United Flight 93 noogn September 11, 2001 terrorist attacks.

Nilinaw nila na hindi ito nangangahulugan na lumipat na ng suporta si Biden kay Trump imbes na sa pambato ng Democrats na si Vice President Kamala Harris.