Kinansela na ni US President Joe Biden ang ilan mga biyahe niya sa ibang bansa dahil sa pananalasa ng Hurricane Milton sa Florida.
Nakatakda sana itong magtungo sa mga susunod na araw sa Germany at Angola subalit dahil sa nasabing nakatakdang pagdating ng bagyo ay minabuti nitong kanselahin na lamang.
Mahalaga aniya na bantayan ang mga galaw ng namumuno sa mga dadaanan ng bagyo para matiyak na walang anumang magiging malaking pinsala.
Kaniyang ipinagpaliban sa mga susunod na araw ang nasabing pagbisita sa ibang bansa.
Magugunitang nangangamba muli ang mga dinaanan noong nakaraang linggo ng Hurricane Helene dahil sa ito ang magiging target ngayon ng Hurricane Milton.
Una ng tiniyak ng White House na kanilang mahigpit na binabantayan ng mga kalagayan ng madadaanan ng bagyong Milton na nasa category 4 na.