-- Advertisements --

Kinondina ni US President Joe Biden ang tangkang pamamaril kay Trump.

Sinabi nito na walang lugar sa America ang mga political violence.

Dagdag pa nito na mapayapa nilang nireresolba ang anumang hindi pagkakaintindihan sa pamamagitan ng botohan.

Pinuri din ng pangulo ang mabilis na pag-aksyon ng mga Secret Service para tuluyang mapigil ang pamamaril.

Pagtitiyak ni Biden na mas hihigpitan pa ng mga Secret Service ang pagbibigay ng seguridad sa mga binabantayan nilang opisyal ng gobyerno.

Tinawagan na rin ni Biden si Trump at kinumusta ang kalagayan kung saan tiniyak niya na magiging mahigpit ang pagbabantay ng mga Secret Service.