Mariing kinundena ni US President Joe Biden ang ginawang pag-atake ng Iran sa Israel nitong Sabado.
Pina-ulanan ng mga missiles at drones attack ng Iran ang Israel.
Ayon kay Biden, nakatakdang makipag pulong siya sa G7 countries upang pag-usapan ang ginawang pagsalakay ng Iran sa Israel.
Ipinagmalaki naman ni Biden na halos lahat ng drones at missiles na pinakawala ng Iran ay na shot down ng US forces.
Dahil sa ginawang pag-atake ng Iran sa Israel, bigla nitong pinutol ang kaniyang biyahe sa Delaware at kaagad bubamlik sa Washington DC upang pulungin ang Security officials.
Sa isang statement sinabi ni Biden, na kapuri-puri ang kapasidad ng Israel na depensahan ang mga pag-atake laban sa kanilang bansa at nagpapakita ito na hindi basta basata natitinag ang seguridad ng Israel.
Dagdag pa ng US President nakatakda nitong pulungin ang G7 leaders ng sa gayon magkaroon ng isang united diplomatic response hinggil sa ginawang pag-atake ng Iran.