-- Advertisements --

Binalaan ni US President Joe Biden ang North Korea na sila ay gaganti kapag ipinagpapatuloy nila ang pagsasagawa ng ballistic missile testing.

Kasunod ito ng pangalawang beses na nagsagawa ng missile test ang North Korea sa loob lamang ng isang linggo.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang US sa kanilang kaalyadong bansa para sa gagawing pagsagot sa ginawang ito ng North Korea.

Magugunitang ibinunyag ng South Korea na nagpalipad ang North Korea ng dalawang short-range missiles sa Hamju area ng South Hamgyong province.

Ang missile na lumipad ng 450 kilometers sa himpapawid.