-- Advertisements --

NAGA CITY- Mas lalo pang umiinit ngayon ang labanan sa pagitan ni US President Donald Trump at kalaban nito sa pagkapresidente na si Joe Biden.

Sa ulat ni Bombo International Correspondent Virgie Contreras, sinabi nito na Setyembre 18 nang unang magsimula ang early election sa Minnesota, South Dakota, Virginia at Wyoming.

Nitong Setyembre 19 naman ginawa ang early election sa bahagi ng New Jersey habang bukas naman ito nakatakdang gawin sa Vermont.

Aniya, magpapatuloy ang naturang eleksyon sa Oktubre 29 sa Oklahoma, ngunit dagdag pa nito, isa pa umano sa inaabangan ngayon ang mas mainit na paghaharap ng dalawa sa kanilang unang debate na nakatakdang gawin sa September 29.

Kaugnay nito, mas challenging aniya ngayon ang laban sa parte ni Trump dahil maganda ang laban ni Biden pagdating sa survey.

Sa ngayon, hawak ni Biden ang 212 na balwarte habnag 125 lamang kay Trump. Kaugnay nito, mayroon pa ring 13 undecided states na kinabibilangan ng Texas Ohio at Iowa na pinagsisikapang makuha ng dalawa.