-- Advertisements --
JOE BIDEN ON UN

Kinilalang bayani ng mga pulis ang dalawang katao sa loob ng isang gay club kung saan nangyari ang pamamaril.

Pinipigilan ng mga ito ang 22-anyos na suspek na si Anderson Lee Aldrich sa pamamaril na ikinamatay ng limang katao habang 18 ang sugatan.

Sa inilabas na pahayag ni US President Joe Biden, mahigpit na kinondena nito ang nangyaring pang-aatake.

Aniya, hindi pa malinaw ang motibo ng krimen ngunit binatikos ang ginawang karahasan laban sa LGBTQ community.

Napag-alaman na ang pamamaril ay ang pinakabago sa isang mahabang kasaysayan ng mga pag-atake sa mga lugar ng LGBTQ sa United States, ang pinaka-deadliest na nangyari mula noong taong 2016.