Mariing na tinutulan ni US President Joe Biden ang unilateral efforts para baguhin ang status quo o kapayapaan at stability ng Taiwan strait.
Ginawa ni Biden ang naturang pahayag sa kauna-unahang virtual summit nito kay Chinese President Xi Jinping.
Binigyang diin ni Biden na nananatiling committed ang US sa One China Policy kung saan kinikilala nito ang relasyon ng Amerika sa China kaysa sa isla ng Taiwan.
Subalit sa kabila nito sinusunod din ng Amerika ang Taiwan Relations Act na nagsasaad na ito ay tutulong na depensahan ang Taiwan sakaling magkaroon man ng pag-atake.
Sa naturang virtual meeting, binalaan naman ni Xi si Biden hinggil sa pagsuporta ng Amerika sa kasarinlan ng Taiwan at inihalintulad sa animo’y nakikipaglaro sa apoy na kalaunan ay mapapaso.
Tinalakay din ng dalawang lider ang mga kontrobersiyal na isyu hinggil sa Hongkong at Xinjiang.
Pinunto ni Biden na kailangang protektahan ang mga manggagawa ng Amerika at mga industriya mula sa hindi patas na trade at economic practices ng People’s Republic of China.
Gayundin ang usapin hinggil sa human rights abuses sa Uyghur minority sa western Xinjiang Province. (with reports from Bombo Everly Rico)