-- Advertisements --
Pinili ni President-elect Joe Biden si retired Army General Lloyd Austin bilang secretary of defense.
Si Austin, 67, ay ang dating commander ng US Central Command.
Siya ang pinakaunang black American na mamumuno sa Department of Defense kung sakaling pagtibayon na ng Senado ang kanyang appointment.
Napag-alaman na mismong si Biden ang siyang lumapit sa retiradong general upang alukin sa nasabing posisyon.
Si Austin ay isa sa pinakatanyag na miyembro ng gabinete ni Biden.
Mahalaga ang papel ng secretary of defense dahil sila ang may kontrol ng pinakamalaking ahensya ng gobyerno ng bansa na siyang mamumuno sa mga tropa sa buong mundo at ang kumplikadong trabaho nito sa loob ng Pentagon. (with report from Bombo Jane Buna)