-- Advertisements --

May pakiusap si US President Joe Biden kay Russian President Vladimir Putin, isang araw bago ang kanilang nakatakdang pagkikita.

Ayon sa US president, may mga usapin silang dapat ay umayon ang Russian president.

Sakaling magmatigas ang lider ng Russia at ipagpipilitan pa rin nito ang kaniyang ugali ay mapipilitan daw itong sumagot.

Binigyan nilinaw din ng US president ang naunang pahayag nito kay Putin na ito ay isang mamamatay tao.

Sinabi pa ni Biden na kaniyang binibirepikang mabuti ang mga impormasyon bago ito magtiwala sa isang tao.