-- Advertisements --

Mulng nanawagan si US President Joe Biden sa kongreso na tuluyang ipagbawal ang mga assault rfiles.

Sa ginawang talumpati ni Biden sa Las Vegas na dapat isamang ipagbawal na ang pagbenta ng mga AR-15 at ilang uri ng mga matataas na kalibre ng baril.

Ang AR-15 kasi ay siyang ginamit sa tangkang pagpatay kay dating US President Donald Trump habang ito ay nasa political rally sa Pennsylvania.

Ayon sa pangulo na ang talamak na mga bentahan ng assault rifle ay maraming buhay na ang kinitil kabilang ang mga kabataan.

Magugunitang sa unang termino pa lamang ni Biden ay sumulat na ito sa kongreso para tuluyang ipagbawal ang assault rifle.